20140504

Niceno-Constantinopolitan Creed (Tagalog)

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat na nakikita at di nakikita. Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Jesu-Kristo, bugtong na Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan, siya ay nanaog sa kalangitan. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit dahil sa hatol ni Poncio Pilato namatay at inilibing. Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Banal na Kasulatan. Umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga buhay at patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay na nanggagaling sa Ama at sa Anak. Sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng propeta. Sumasampalataya ako sa iisang Simbahang katolika at apostolika gayundin sa isang binyag sa ikapagpapatawad ng kasalanan. At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.

(from an official source under a Catholic liturgy commission in the Philippines)