20101030

Panalangin Para Sa Kaluluwa

(Maaring gamitin ang rosaryo sa panalangin na ito. Ang Sampung Panalangin ay sa bahagi ng sampung "Aba Ginoong Maria")

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo...+

AMEN.

Lahat: Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang kasalanan ko. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa krus alang-alang sa akin. Siya nawa.

Buksan Mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming mga loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang mahahalay at linsong akala; papagningasin Mo ang aming puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang Kamahal-mahalan Mong pinagdaanang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng Iyong marangal na Ina, at ng maging dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong di-matingkalang kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari magpasawalang-hanggan. Siya nawa.


ANG SAMPUNG PANALANGIN 

Namumuno: Lubhang maawaing Jesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang mga kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay, lalo na ang kaluluwa ng namatay naming kaibigan/kapatid/magulang na si ________. Na dahil sa kanila ay nagpakasakit ka at namatay sa krus. Siya nawa.

  1. Jesus ko alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin Ka sa Halamanan.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na mukha.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  3. Jesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santuhan Mong ulo.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  5. Jesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan ng krus ay Iyong kababaw-babaw.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha na naliligo sa dugo ay Iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  7. Jesus ko, alang-alang sa damit Mong natitigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na napako sa krus.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  9. Jesus ko, alang-alang sa Iyong mga kasantu-santuhang paa at kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
     
  10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat ay binukalan ng dugo at tubig.

    Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________. 

AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa, para ng sa langit.

Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. 
At patawarin Mo po kami sa aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo po kami sa lahat ng masama.
Amen

ABA GINOONG MARIA
Aba, Ginoong Maria!
Napupuno ka ng grasya,
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, 
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

LUWALHATI 
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

Namumuno: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang hanggan.

Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

(5X - Uulitin ng limang beses Ang Sampung Panalangin, "Lubhang maawaing Jesus ko...", Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati, at "Kapayapaang Walang Hanggan/Eternel Rest" na gamit ang rosaryo) 

PANALANGIN

Lahat: Katamis-tamisang Jesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, ay inibig Mong Ikaw ay ipinanganak; tumulo ang Iyong mahalagang dugo sa pagsusugat; alipustain ng mga Hudyo, mapasa kamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni Judas; gapusin ng lubid; dalhin sa pagpaparipahan sa Iyo; tulad sa Korderong walang sala; iharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at Herodes; lurhan, at pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tampalin; maging alimura; matadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina, putungan ng koronang tinik, natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura, sa pagpapalibhasa sa Iyo, malagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya; napako sa krus, at natindig sa kanya; napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila; painumin ng apdong nilahukan ng suka, at ang Iyong tagiliran ay sulain ng isang sibat. Hanguin Mo na Panginoon ko, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para sa dalitaan Mo, ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, sa pagdurusa nila, iakyat Mo silang matiwasay sa Iyong kaluwalhatian; iligtas Mo kami alang-alang sa mga karapatan ng Iyong kasantu-santuhang pagpa-pakasakit at pagkamatay sa krus, sa mga hirap sa impyerno, ng kami ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian, na Iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na napakisama sa Iyong naripa sa krus; nabubuhay Ka at naghahari, kasama ng Diyos Ama, at ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

Nangunguna: Panginoon, maawa Ka sa kanya.
Lahat: Kristo, maawa ka sa kanya.

Nangunguna: Panginoon, kahabagan Mo siya.
Lahat: Kristo, kahabagan Mo siya.

Nangunguna: Panginoon, pakapakinggan Mo siya
Lahat: Kristo, pakapakinggan Mo siya.

Nangunguna: Diyos Ama sa langit.
Lahat: Maawa ka sa kanya.

Nangunguna: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan
Lahat: Maawa ka sa kanya.

Nangunguna: Diyos Espiritu Santo.
Lahat: Maawa ka sa kanya.

Nangunguna: Santisima Trinidad, na tatlong Persona at iisang Diyos.
Lahat: Maawa ka sa kanya.


LITANYA KAY SANTA MARIA

(Tugon: ...Ipanalangin mo siya)

Santa Maria...
Santang Ina ng Diyos...
Santang Birhen, ng mga Birhen...
Ina ni Kristo...
Ina ng grasya ng Diyos...
Inang kasakdal sakdalan...
Inang walang malay sa kahalayan...
Inang di malapitan ng masama...
Inang kalinis-linisan...
Inang kaibig-ibig...
Inang kataka-taka...
Ina ng magandang kahatulan...
Ina ng mapag-adya...
Birheng dapat igalang...
Birheng dapat ipagbantog...
Birheng makapangyayari...
Birheng maawain...
Birheng matibay na loob sa magaling...

Salamin ng katwiran...
Luklukan ng karunungan...
Mula ng tuwa namin...
Sisidlan ng kabanalan...
Sisidlang bunyi at bantog...
Sisidlang bukod na mahal na makusaing sumunod sa
Panginoong Diyos...
Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga...
Tore ni David...
Toreng Garing...
Bahay na Ginto...
Kaban ng Tipan...
Pinto ng langit...
Talang maliwanag...
Mapagpagaling sa mga taong makasalanan...
Mapang- aliw sa mga nagdadalamhati...
Mapag-ampon sa mga Kristiyano...
Reyna ng mga Anghel...
Reyna ng mga Patriarka...
Reyna ng mga Propeta...
Reyna ng mga Apostol...
Reyna ng mga Martir...
Reyna ng mga Confessor...
Reyna ng mga Birhen...
Reyna ng lahat ng mga Santo...
Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo...
Reynang tigib ng lumbay...
Reynang iniakyat sa langit...
Reyna ng kapayapaan...

KORDERO NG DIYOS

Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan...
Lahat: Patawarin Mo siya, Panginoon namin.

Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan...
Lahat: Pakapakinggan Mo siya, Panginoon namin.

Nangunguna: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng santinakpang langit...
Lahat: Kaawaan Mo siya Panginoon.

Nangunguna: Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, O Santang Ina ng Diyos, kami ay lumililong, huwag mong talikdan ang aming pag-amo-amo, kung dinatnan ng kasalatan, bagkus iyong iadya kami sa dilang panganib birheng mahal at maluwalhati.

ABA PO SANTA MARIANG HARI

Lahat: Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng awa, Ikaw nga po ang kabuhayan at katamisan namin, aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag naming pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hiningahan namin sa aming pagtangis; dini sa lupa, bayang kahapis-hapis, ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos na yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.

Nangunguna: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.

Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong aming Panginoon.

Nangunguna: Panginoon namin, dinggin Mong nalulugod ang aming pag-aamo-amo at dumating nawa sa Iyong tainga ang aming pagtangis.

Ipinagtatagubilin namin sa Iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa sa Purgatoryo at ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________ sapagkat pumanaw na siya sa mundo. Mangyaring Iyong ipatawad sa kanya, alang-alang sa walang katapusan Mong awa, ang mga kasalanang nagawa, at laging mabuhay sa Iyo, magpasa-walang hanggan.

Lahat: Siya nawa.

KREDO NG APOSTOLES

Lahat: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasamplataya ako kay Jesukristo,iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.


Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Iglesya Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Poon ko ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang katapusan.
Nangunguna: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

Nangunguna: Panginoon kong Diyos, yamang inilagak Mo sa amin ang mga bakas ng Iyong Mahal na Pasyon, sa mahal na kumot na ibinalot sa iyong Kabanal-banalang katawan ng ibaba ka ni Jose sa krus. Ipagkaloob Mo po sa amin, mahabaging Panginoon alang-alang sa iyong kamatayan at paglilibing, na sila ay dalhin doon sa glorya ng pagkabuhay na mag-uli na kinabubuhayan Mo at pinaghaharian sa kasamahan ng Diyos Ama at pakikipagkaisa sa Diyos Espiritu Santo, magparating man at magpasa walang-hanggan. Siya nawa.

Huwag mo siyang ipahintulot, Panginoon ko.
Pakaingatan Mo siya sa masama.
Sa pinto ng impyerno, iilag Mo ang kanyang kaluluwa.
Mapanatag nawa siya sa kapayapaan,

Lahat: Siya nawa.

Nangunguna: Pakinggan Mo Poon ang aming daing. Dumating nawa sa mahal Mong tainga ang aming pagtawag.

Manalangin tayo...

Lahat: O Diyos ko, na sa kaginhawahan ng tao, hinihingi namin na kaawaan Mo na ang kaluluwa ng alipin Mong si ________, ang aming mga magulang, kapatid, kamag-anak. kaibigan/kapatid/magulang na namatay na dito sa katipunan nitong mapag-ampong Ama at sa tulong ng parating Birheng Maria, patawarin ang lahat ng kasalanan, ayon sa indulhensiyang kanilang ninanasa, pakundangan sa Iyong awa, at magsasamang parati doon sa kahariang walang hanggan.

Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Poon ko ng kapayapaang walang hanggan,
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag at ilaw na walang katapusan

Nangunguna: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

O Jesus na Kasantu-santuhan at Kamahal-mahalan, sa pagkamatay Mo po sa Mahal na Santa Krus, kaawaan at patawarin ang kaluluwa ng aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________. (3x - Uulitin ng tatlong beses)

Birhen itong aming hain di man dapat tanggapin ang kaluluwa’t katawan namin, kaawaan mo’t ampunin sa kamatayang darating at ipag-amo-amo mo rin kay Jesus na Poon namin upang kami rin ay lingunin at kami’y patawarin sa salang nagawa namin.

Siya nawa.

Nangunguna: Alang-alang sa maralitang pagkamatay ng ating Panginoong Jesukristo at sa pitong sakit ni Santa Maria, siya nawang ikaginhawa at ikaluwalhati ng lahat ng mga kaluluwang nagpapakasakit sa Purgatoryo.

Lahat: Amen.

BENDITO

Nangunguna: Purihin at ipagdangal ang kasantu-santuhang sakramento sa altar at ang kalinis-linisang paglilihi kay Ginoong Santa Maria Ina ng Diyos at ating Panginoon, na di nagmana ng kasalanang orihinal sa mula’t mula, kailanman at magpasawalang hanggan.

Lahat: Siya nawa.

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

Nangunguna: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.
Lahat: Magbigay sa kanya ng liwanag ng ilaw na walang katapusan.

Nangunguna: Mapanatag nawa siya ng kapayapaan.
Lahat: Siya nawa.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo...+

AMEN.


155 comments:

  1. Salamat po sa sino mang nag-post nitong Panalangin sa Yumao. Napakalaking tulong na hindi natin iniisip na isang araw ay bigla na lang nating kailangan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat sa nagpost nitong dasal na ito at talagang kailangan natin lahat ito lalo na sa oras ng ating kapighatian na dapat tayo ay humingi ng tulong sa Diyos para matulungan natin ang ating mga mahal sa buhay na makaakyat sa kalangitan ng Diyos

      Delete
    2. Maggie Mendiola VergaraJuly 19, 2014 at 12:37 PM

      TO
      Alex
      may you rest in peace

      Delete
    3. Salamat din po ng marami sa inyong pag-comment at pagbabahagi. Nagkakaisa po tayo sa damdamin at nakikiramay po kami sa inyo. Sa pagpanaw ng isang minamahal, nais natin na makapiling pa sila...kahit man lang sa paghahatid sa kanila sa pamamagitan ng ating pagdarasal...hanggang sa masalubong na ng ating mga tinig ang mga anghel, mga banal, mga nauna nang mahal sa buhay, ang Mahal na Inang Maria at ang Panginoong Diyos mismo. Nawa'y mas lalo po ninyong madama ang pag-ibig, ang yakap ng Diyos sa mga panahon ng pangungulila at kalungkutan. Patuloy po sana tayong basbasan at samahan ng Diyos!

      Delete
    4. Salamat po. Nagdasal kami sa 40 days ng lolo ko. Just now eto ang binasa namin. Yung Bendito ba ayun ba yung latin na dinadasal ng mga nagdadasal sa huli?

      Delete
    5. Hi Vladimir, salamat sa comment. Mabuti at nakatulong ang dasal na ito sa inyo. Hindi ako sigurado sa isasagot ko sa iyo. Ang napapansin ko lang, maraming mga dasal na nagtatapos sa Bendito.

      Halimbawa:

      Adoration Of The Blessed Sacrament & Benediction
      http://allsoulschurchssf.org/content/adoration-blessed-sacrament-benediction

      Sa guide na nasa webpage, "benediction" ang nasa huling bahagi.

      DIVINE PRAISES
      Blessed be God.
      Blessed be his Holy Name.
      Blessed be Jesus Christ, true God and true Man.
      Blessed be the Name of Jesus....

      Bendito sea Dios
      Bendito sea su santo Nombre
      Bendito sea Jesucristo, verdadero Dios y verdadero hombre
      Bendito sea el Nombre de Jesus

      Magkatulad ang tanong ninyo ni Sonrio. Ire-repost ko sa ibaba ang palitan namin ng message at baka makatulong sa pag-uwa natin dito.

      sonrio, July 14, 2013 at 6:51 AM

      Tanong lamang po... Ano po ba yung bendito? Ito po ba yung parang latin na sinasabi ng namumuno? Pwede nyo din po bang isama dito?

      ACE, February 20, 2014 at 3:04 PM

      Hi, salamat po sa inyong tanong. Sa initial research ko, ang pagkakaintindi ko sa Bendito ay "Benediction."

      "Alabado sea el Santisimo Sacramento del Altar! Bendita sea la Limpia y Purisima Concepcion de Nuestra Senora Maria Santisima sin mancha de pecado original!

      Praised be the Most Holy Sacrament of the Altar! Blessed be the stainless and most pure Conception of Our Lady Mary Most Holy without the taint of original sin!"

      Source: LAND OF MARY IMMACULATE
      Marion A. Habig, O.F.M.
      http://www.ewtn.com/library/HOMELIBR/LANDMARY.HTM

      BENDITO

      Nangunguna: Purihin at ipagdangal ang kasantu-santuhang sakramento sa altar at ang kalinis-linisang paglilihi kay Ginoong Santa Maria Ina ng Diyos at ating Panginoon, na din nagmana ng kasalanang orihinal sa mula’t mula, kailanman at magpasawalang hanggan.


      Delete
    6. Eto ung tinatawag na DECENARIO. Im from upland Cavite and madami pang nagdadasal nito at me mga copies na rin na we call "Tunguhan". Pag 40days eto ung dindasal pag may Rosario Cantada with Latin prayers. The Litany is in Latin but sung beautifully by the cantoras. Nostalgic feels whenever i hear the Cantada...me ilang part lang sa dasal sa taas na iba sa amin... tanx for sharing

      Delete
    7. Ang original po na Bendito ay ganito:
      ALABADO CON EL SANTISIMO SACRAMENTO
      na wiwikain makalima kung nakinabang. Ito raw ay isang pamimintuho sa lahat ng mga Angheles nang siya ay tulungand rin nilang mangusap ng ganoon.
      Ito po ay naayon sa orihinal na Nobena para sa mga kaluluwa na ginagamit ng mga Apostolado ng Panalangin. Ako rin po ay isang miyembro ng Apostolado ng Panalangin rito sa Cavite... Thanks po sa pagpost

      Delete
    8. Salamat sa pag share ng mga dasal . Kailan Lang ay pumanaw Ang aking anak at naghahanap ako ng mga dasal para sa kaluluwa.

      Delete
  2. Maraming salamat sa iyong comment. Nagbigay ng bagong pag-asa ang comment mo sa akin, na may nangailangan at naghanap din pala nito. Noon kasing naghanap ako nito sa internet, nahirapan ako na makakita. Kaya ng ginawa namin ito para sa isang namayapang mahal sa buhay,kinopya mula sa isang printed booklet, sinubukan kong i-share dito. God bless you and your family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwedeng bang makabili ng booklet na sinasabi mo ? Nasa US ako at gusto kong I -share sa mga kaibigan.

      Delete
    2. Tanong ko lng po
      Ilang days po ba dapat dasalin?salamat po

      Delete
  3. ako din po nagpapasalamat sa nagpost nito,kailangan po ksi namin to...malaking bagay po ang pagpost po nito..salamat po ulit

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pong anuman at maraming salamat din po sa inyong pagsulat sa amin. Naniniwala po kami (na nagtulong-tulong na nagsaayos nito), na kalooban ng Diyos na malaman ng marami pa ang dasal na ito.

      Delete
  4. Tanong lamang po... Ano po ba yung bendito? Ito po ba yung parang latin na sinasabi ng namumuno? Pwede nyo din po bang isama dito? Salamat po... At patnubayan pa kayo ng Poong maykapal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, salamat po sa inyong tanong. Sa initial research ko, ang pagkakaintindi ko sa Bendito ay "Benediction."

      "Alabado sea el Santisimo Sacramento del Altar! Bendita sea la Limpia y Purisima Concepcion de Nuestra Senora Maria Santisima sin mancha de pecado original!

      Praised be the Most Holy Sacrament of the Altar! Blessed be the stainless and most pure Conception of Our Lady Mary Most Holy without the taint of original sin!"

      Source: LAND OF MARY IMMACULATE
      Marion A. Habig, O.F.M.
      http://www.ewtn.com/library/HOMELIBR/LANDMARY.HTM

      BENDITO

      Nangunguna: Purihin at ipagdangal ang kasantu-santuhang sakramento sa altar at ang kalinis-linisang paglilihi kay Ginoong Santa Maria Ina ng Diyos at ating Panginoon, na din nagmana ng kasalanang orihinal sa mula’t mula, kailanman at magpasawalang hanggan.

      Patuloy po naming ire-research ang tungkol dito para sa kaalaman ng lahat.

      Delete
    2. Thank you so much for posting this prayer. It's really a big help.

      Delete
    3. Ang Bendito po ay hindi wikang Latin ngunit ito ay wikang Espanyol

      Delete
  5. Salamat at nagamit din namin ito.

    ReplyDelete
  6. thank you very much for posting this prayer.this really a great help...

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome. Thank you for expressing your appreciation.

      Delete
  7. SALAMAT PO SA NAG POST KASI SA PANAHON NGAYON LALO NA SA MAYNILA BIHIRA NA ANG NAGDADASAL NG GANITO LANO NA NGAYON KAILANGAN KO ITO PARA SA 40 DAYS NG KAPATID KO WALA NAMAN NAGDADASAL DITO SA MAYNILA KAYA KAMI NA LAMANG ANG MABDASAL PARA SA KANYA GAMIT ANG DASAL NA ITO SALAMAT...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din po sa pagsulat sa amin. Pagbubutihin pa po namin ang layout para mas makukuha pa ang sequence ng dasal na ito. Ikinalulugod po namin na nakatulong kami. Naniniwala po kami na ang mga nilalaman ng dasal na ito ay makakakatulong sa mga nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Ito ay isang paghahatid sa ating minamahal para tanggapin na siya sa piling ng Panginoong Diyos at ng lahat ng mga banal.

      Delete
  8. Marami pong salamat sa mga nag-abalang kumopya ng panalangin na ito para sa mga yumao. Nawa'y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman po at salamat sa inyong pagsulat. Patuloy po naming isasaayos ang dasal na ito. Pagpalain din po kay ng Panginoong Diyos.

      Delete
  9. Salamat po sa post ng dasal para sa kaluluwa.

    ReplyDelete
  10. Thanks for uploading this prayers..... More power and God Bless

    ReplyDelete
  11. Wala sa aking kapamilya ka anak o kaibigan ang namayapa, i don't know why, pero 1:30 am nung mgcng ako. At ito ang pumaxok sa aking isipan. Dali dali ko itong hinanap. And luckily, i found it. Dahil may isang interesanteng taong kagaya mo ang nag bahagi nito. Ilang taon na ang nkalipas nung huli ko itong hinanap. Bigo ako noon. Naisip ko kasi, nangamatay na ang mga matatandang mandarasal sa aming lugar. Salamat ulit. Sana ay makita kta o makausap. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Katulad mo, hinanap ko rin ang dasal na ito sa internet. Nahanap ko ang Sampung Panalangin...pero nakakalungkot na ang nagpost pa ay isang kumakalaban sa pananampalatayang Katoliko. Inilagay para pulaan at maliitin ang ating paniniwala.

      Ang kopya na ibinahagi namin dito ay mula sa mapagkakatiwalaan, at may-patnugot na mga imprenta (approved sources). Sisikapin namin na magbigay pa ng dagdag na impormasyon tungkol sa dasal na ito.

      Sa panahon ng makabagong pagpapalaganap ng Ebanghelyo, sana ay buhayin natin ang mga dasal at panalangin para sa henerasyon ngayon at sa darating.

      Nawa'y laging sumaiyo at sa iyong mga minamahal ang pagpapala at awa ng Diyos!

      Delete
  12. Salamat po sa nag share ng panalanging ito...God bless you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman po. Salamat sa comment. May God continue to bless you, too.

      Delete
  13. pang 40 days rin ba to?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, magagamit po ito sa panahon ng paglalamay, sa 9th day, sa 40th day, sa birthday, sa Araw ng mga Kaluluwa, sa pagdalaw sa puntod ng namatay o kahit mga ordinaryong araw lang. Ang mahalaga po ay naipapahayag natin ang ating pagmamahal natin sa Diyos at sa ating mahal sa buhay na namayapa na. God bless you.

      Delete
  14. maraming salamat ACE. malaking tulong sakin at lalo n s mga taong nasa ibang bansa ang panalanging ito. ito ang naging guide ko para sa yumao kong ama ngayon ang ika-40 araw ng pagpanaw nya... kahit ngiisa lng ako na nagdadasal alam ko naiparamdam ko sa aking ama ang panalangin na para sa kanya..maraming maraming salamat. - juvy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikinagagalak po namin na nakatulong kami sa inyo, Juvy. Naniniwala po kami na ang panalangin na ito ay magbubuklod sa bawat miyembro ng pamilya, kahit pa nasa magkaibang bansa...o nasa kabilang buhay na.

      Tama po kayo na kahit na nag-iisa kayo sa inyong pananalangin, maipapahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa inyong ama...at madarama ninyo ang pagsama sa inyo ng Mahal na Birheng Maria, mga anghel at mga santo. Salamat din po sa pagsulat ninyo. Sumainyo po nawa lagi ang pagpapala ng ating Diyos.

      Delete
  15. Thank you Ace for this prayer. It's really a big help for us. Its papas death anniversary and unfortunately there's no one to lead the novena, we tried to search online and found this prayer. Thank you so much and God bless..

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome, Wanne. We are glad we were able to help you pray to your papa. We hope we can continue to improve the layout of the prayer to really guide those who will be using it.

      By the way, this is prayed using the rosary, with the "Sampung Panalangin" replacing the Hail Mary beads.

      We hope we can find the time to also post an English or a Bilingual version of this prayer for the benefit or more people. Thank you for writing and may God bless you, too.

      Delete
  16. It was indeed a great help. Good job for this blog site :) I can't remember when was the last time I heard this prayer, and now here's a copy. Thank you so much. Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for your comment and the appreciation, Jean. The comments here have been motivating me to share and post more content that other people may find useful. When I have more time I would also like to post some video clips of our actual use of this prayer. Maybe that would be more helpful.

      Delete
  17. Maraming salamat po sa nagpost ng panalangin na ito, matagal ko nang gustong mhanap at matutunan eto pero sa wakas at nahanap ko rin dito..... gusto kong dasalin eto para sa aking ina na nmatay na at mga kamag anak kaibigan,
    Muli akoy nagppasalamat po saiyo na nagpakahirap na i post ang dasal na eto, pagpalain po sana kau.

    ReplyDelete
  18. Maraming salamat po saiyo na nag post ng panalanging ito, Nagppasalamat ako at nahanap ko rin ang dasal na ito para sa kaluluwa, kailangan ko po kc ito para sa aking ina n nmatay na at mga kaibigan at kamag anak....
    Muli maraming salamat at pagpalain sana kau.....

    ReplyDelete
  19. Maraming salamat po sa nagpost ng panalanging ito, matagal ko ng hinanap pero ngayon ko lang nhanap ito, malaking tulong ito saakin para sa magulang ko at mga kamag anak at kaibigang namatay na.
    Muli maraming salamat po, pagpalain sana kau....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din ng marami sa iyong comment, Emmie. Gusto naming, makatulong sa lahat. Alam namin ang nararamdaman ng isang nawalan ng isang mahal sa buhay. Sa panalangin na ito naramdaman namin kung papaano maihahatid sa Panginoong Diyos ang isang taong mahal natin. Gusto namin maramdaman rin ninyo...ang kapayapaan at kapanatagan ng loob na nadarama namin kapag dinadasal namin ito. Pagpalain rin po sana kayo ng ating mapagmahal na Diyos.

      Delete
  20. thank you po for sharing this, a big help po as my father's death anniv will be on Sat. 26th April. I keep on searching for this till I found your site. I can say a prayer for my departed parents using this... will share your site to my friends here in UAE.. God bless po....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pag-appreciate. Nalalaman namin na marami pala talaga ang naghahanap ng mga dasal at panalangin. Sana makapag-upload pa kami ng mga tulad nito at makapag-preserve din dito ng mga malapit nang mawala para kahit papaano maipagpatuloy and debosyon .

      Delete
  21. meron po ba nito sa english version?

    ReplyDelete
    Replies
    1. HI Mayeth, Nakakita na ako ng English nitong Sampung Panalangin pero hindi ko alam kung may combination na katulad nitong "Panalangin sa Kaluluwa". I've been tracing the old prayer booklet where we have drawn most of the parts of this long prayer. Hindi pa mahanap. Gusto ko sana i-acknowlge ang original source at i-mention ang mga imprematur etc.

      May Prayer for the Departed akong nabili sa St. Paul's pero mas maikli yon at simple lang. Gusto ko ang mga words nitong "Panalangin Para Sa Kaluluwa."

      Last Apr. 15, 2014 I was asked to lead this prayer for a relative because it was a first year death anniversary. And this was before we prayed the Pasyon.

      Delete
    2. By the way, if you will notice, ang beginning prayer..." Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang kasalanan ko." appears to be an Act of Contrition. And all throughout the prayer, you would notice the Tagalog of the Eternal Rest Prayer "Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan..."

      Delete
  22. Kamamatay lang po ng kapatid ko. At naghahanap kami ng dasal na magagamit sa pa-siyam niya. Thank you po sa pag-upload at di na namin kailangan bumili pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikinalulugod po namin na makatulong sa inyo.

      Sa pagpost namin ng panalangin na ito, wala kaming hangarin na kumpitensiyahin ang mga ipinagbibili na naka-imprenta...lalo na yung mga nasa simbahan. Hinihikayat po namin ang lahat na makakabasa nito na bumili pa rin ng mga naka-imprenta at tumulong tayo sa paglikom ng pondo para sa simbahan. Ang kopya na nandito ay, higit sa lahat, para sa mga walang mabilhan o walang kakayahan na bumili. Maraming salamat po.

      Delete
  23. Ito rin po ba ang dinadasal 9 day before undas sa mga kaluluwa ng mga yumao?my own site p po b kyo?

    ReplyDelete
  24. Ito rin po ba ang dinadasal 9 day before undas sa mga kaluluwa ng mga yumao?my own site p po b kyo?

    ReplyDelete
  25. Ito rin po ba ang dinadasal 9 day before undas sa mga kaluluwa ng mga yumao?my own site p po b kyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, marami pong paraan ng pagdarasal nito. Pwede po na dasalin ng 9 days bago mag-undas. Kami po dinadasal namin ito sa puntod ng yumao naming mahal sa buhay.

      Delete
  26. Ito rin po ba ang ginagamit na dasal sa kaluluwa ng mga yumao 9 days praying before undas? Myron p po b kyobg ibng site.thnks

    ReplyDelete
  27. Ito rin po ba ang dinadasal 9 day before undas sa mga kaluluwa ng mga yumao?my own site p po b kyo?

    ReplyDelete
  28. Maraming salamat po sa pagpost/share ng panalangin sa kaluluwa. Malaking tulong po ito sa aming nasa malayong lugar at di makakauwi, gustuhin man namin, sa araw ng undas.

    ReplyDelete
  29. maraming maraming salamat po dito. napakalaking tulong :) God bless po sa inyo! :)

    ReplyDelete
  30. Hi po,pwde din po ba ito sa 5 buwan kong pamangkin nanamatay ngayon lang..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa pagpost na ito dahil naipagdasal ko ang kapatid kung namatay dahil hindi ako nakauwi at narito ako sa Amerika

      Delete
  31. Pwede na ba itong dasalin araw2x hanggang matapos ang 40 days ??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po. Ang mahalaga po ay ang pagsasapuso ng dinarasal.

      Delete
  32. Thank you for sharing this prayer. My friend's mom 1st death anniversary is approaching and we are looking for this.

    ReplyDelete
  33. Salamat ng marami sa pagpost napagdasal namin si kuya Be ngayon araw na nawala siya sa amin ,magiging malungkot ako kung hindi namin ito nagawa..we love him en really miss him a lot...alam namin masaya siya sa piling ni Lord at ng mga mahal namin sa buhay lalona ng tangi naming Inay.....

    ReplyDelete
  34. Salamat ng marami sa pagpost napagdasal namin si kuya Be ngayon araw na nawala siya sa amin ,magiging malungkot ako kung hindi namin ito nagawa..we love him en really miss him a lot...alam namin masaya siya sa piling ni Lord at ng mga mahal namin sa buhay lalona ng tangi naming Inay.....

    ReplyDelete
  35. Thank you sa nag post ng prayers na ito. We need this for this coming 40th day of my son.

    ReplyDelete
  36. Thank you sa nag post ng prayers na ito. We need this for this coming 40th day of my son.

    ReplyDelete
  37. Thank you for this prayers for the dead. In the place where I came from, the older folks called it San Gregorio, maybe because it originated from St. Gregory or approved by Pope Gregory. The one missing here is the "Requimeter Donnais Domine...recited after every decade of the rosary beads. My aunt, was one of the sought after 'mamumuno" or lead in the recitations of these prayers, but from what I can recall there's few more beautiful verses included aside from Paghahain. Not sure if it was only in our place (Batangas/Quezon) that the prayers said is the same or some variation depending on the lead.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for the information you shared. We will check on this.

      Delete
  38. Thank you po sa ngpost ng prayers na ito. God bless!

    ReplyDelete
  39. Pwede po kaya ito sa 7 months n pretern baby kasi diba angel palang kapag baby so wala pa daw kasalanan...

    ReplyDelete
  40. Thank u ng marami sa ngpost n2 dinasal qng mag1 2 ngaun 40 days ni inang at nasa malayo aqoh salamat po ng marami ...ang dami qng luha pagkatapos ....godbless u po

    ReplyDelete
  41. Isang pagliligtas ng lahat ng kaluluwa sa purgatoryo para sa ating lahat.

    ReplyDelete
  42. Salamat po sa dasal na ito. Dipo tlaga ako marunong mag novena. Pero sa pamamagitan nito nagawa kong ipagdasal ang lola kong namatay last May 24,2017 ..base ako sa Australia at di uso sa kanila ang dasal.kaya naisip ko ipagdasal siya at itong dasal ang ginamit ko. Salamat po ulit pag palain ka nawa ng panginoong lumikha. Amen

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat din po na nakatulong sa inyo ang dasal na ito. Naipapahayag natin ang ating pagmamahal, ang ating damdamin sa taong ating minamahal na nasa piling na ng Diyos...sa pamamagitan ng dasal na ito. Tulungan po natin na maibalik ang pagdarasal sa lahat ng mga tao. Pagpalain din po kayo nawa lagi ng ating Panginoong Diyos.

      Delete
  43. Pwede po ba siya sa ika isang taon ng pagkamatay ng papa ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, pwede po ito sa isang taon na pagkamatay. Pwede ito sa death anniversary, sa birthday, sa father's day...sa lahat ng okasyon...para maipahayag natin ang ating pagmamahal sa kanila na namayapa na.

      Delete
  44. Hello po di ba pwede po gumamit ng rosary dito sa dasal? Start po ba agad sa first bead ng decade? Kasi hindi po nakalagay kung ano idadasal sa 3 beads malapit sa cruz. Thanks po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi. Salamat po sa inyong tanong. Sisimulan sa malaking bead ang "Lubhang maawaing Jesus ko..." then sa Decade beads and bawat isa sa Sampung Panalangin. Ang gamit lang talaga ng rosary ay para matandaan kung nakakailan na sa limang ulit na pagdarasal nitong sampu. Hindi na kailangan gamitin ang tatlong (Hail Mary) beads malapit sa crucifix.

      Delete
  45. Hi, marami pong salamat sa nagpost ng dasal na to para sa kaluluwa. Matagal na po akong naghahanap ng dasal na to para sa nalalapit na 1st death anniversary ng sister at father in law ko. Kamamatay din po ng best friend namin. God Bless po at sana pagpalain kayo ng maykapal at nagkaroon kayo ng time na ipost to para sa mga nangangailangan ng dasal na to.

    ReplyDelete
  46. Hi ACE! How are you?
    Thank you for sharing this prayer.
    Do you have the English version?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, thank you for your appreciation and inquiry.
      I've been planning on posting an English version and other Languages and Dialecs...realizing the great demand for such prayers. This post has been viewed more than 100,000 times.

      Entry Pageviews
      Panalangin Para Sa Kaluluwa
      Oct 30, 2010, 75 comments
      103946

      Delete
  47. Thank you so much po for sharing this prayer. Knina ko pa to hinahanap. Hehe God bless. 😊

    ReplyDelete
  48. Maraming salamat po sa San Diego prayer na ito. Naaalala ko kami ng lola ko nagdadasal neto at sya yung namumuno, ngayon sya na yung pinagdadasal nmin. God bless all!

    ReplyDelete
  49. maraming salamat po sa prayer na ito...pang 6th day npo ng burol ng aking mahal na ina at eto po ang ginamit ko sa dasal in way na tama po ang ginagawa ko..maraming salamat po at suma langit nawa lahat ng mga namatay. amen

    ReplyDelete
  50. meron po kayang english version itong dasal na ito? para lang po makasabay ang mga hindi po masyadong magaling sa malalalim na tagalog. salamat po.

    ReplyDelete
  51. Naghahanap po ako ng tamang dasal para po sa pasiyam ng aking yumaong lola sana po ay matulongan niyo ako...salamat po

    ReplyDelete
  52. Naghahanap po ako ng tamang dasal para po sa pasiyam ng aking yumaong lola..sana po ay matulongan nio ako..salamat po

    ReplyDelete
  53. Maraming Salamat sa pag po post po nito. Maari na akong manalangin para saking Ina. Salamat.

    ReplyDelete
  54. Maraming Maraming SALAMAT PO sa nag share ng Panalangin na ito. It really really good and help po sa lahat ng may mga yumao o namatayan. God bless po. Xx merly neria

    ReplyDelete
  55. Maraming Maraming SALAMAT PO sa nag share ng Panalangin na ito. It really really good and help po sa lahat ng may mga yumao o namatayan. God bless po. Xx merly neria

    ReplyDelete
  56. Tanung ko lang po, pwede rin po ba itong magamit na dasal sa anibersaryo ng kamatayan ng patay? Salamat po sa pagtugon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po itong gamiting sa kahit anong okasyon. Ang pinakamahalaga po ay ang magsama-sama ang pamilya at ipahayag ang pagmamahal sa namayapa na sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.

      - ACE, blog owner

      Delete
  57. Thank you po for posting this prayer, 1st death anniversary po by father ko sa August 11. Magagamit po namin ang prayer na ito. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  58. Maraming maraming salamat sa nag sa may gawa nito. God bless!!!

    ReplyDelete
  59. Hello magandang hapon... Meron po ba ng sampung panalangin.. Audio or video with lyrixc.. Salamat sa makakasagot

    ReplyDelete
  60. Sa sinoman po ang nag post ng dasal na ito na para sa kaluluwa,maraming maraming salamat po,malaking tulong po ito sa akin,salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman po. Nagagalak po ako na makatulong

      Delete
  61. May mga recording po kami ng pagdarasal namin nito. Balak ko rin po mag-produce ng audio o video recording nito para maging karagdagang gabay sa mga gagamit nitong panalangin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ace!
      Maraming salamat sa pagbahagi mo ng dasal na ito. Malaking tulong ito sa aming pamilya.
      Nahanap mo na ba ang English version nito?
      May audio / video na rin ba?
      God bless!

      Delete
  62. Maraming salamat po sa nag post ng dasal n to..Godbless po

    ReplyDelete
  63. Salamat po sa pag post po nito...
    Kamamatay lang po ni Inang nung feb 3, 2019... At sya po talaga maalam sa mga ganitong dasal.. Ngunit wala na sya at sya na ngayon ang pag aalayam nmin pra sa ganap na kapayapaan nya... God bless po...

    ReplyDelete
  64. Salamat po sa panalangin na ito, malaking tulong po ito saamin. Tanong ko lang po sana kung pwede po ba ito dasalin everyday para sa mga yumao naming mahal sa buhay? Salamat po

    ReplyDelete
  65. Eto dn po ba ang ginagamit para sa 40days ng patay?salamat po in advance.

    ReplyDelete
  66. maraming salamat at nalinawan ako sa isang part ng panalangin na ito. na bale 1 rosaryo pala.may nagdadasal kasi na 3x lang ginagawa ang rosaryo.

    ReplyDelete
  67. Gusto ko pong malaman kung pwede to sa mga babies pa at todlers na maagang kinuha sa ating mundo. Diba they believe that they are Angels? I need to know co'z i have niece that has been dead for 8 days and i want to use this tomorrow as a prayer for her. Please reply ASAP.

    ReplyDelete
  68. Gusto ko pong malaman kung pwede to sa mga babies pa at todlers na maagang kinuha sa ating mundo. Diba they believe that they are Angels? I need to know co'z i have niece that has been dead for 8 days and i want to use this tomorrow as a prayer for her. Please reply ASAP.

    ReplyDelete
  69. Thanks po kasi ginamit ko po ang dasal na ito sa 1 year death anniversary ni tatay hnd po kc ako marunong salamat po sa ngpost nagamit ko ang nobena,,,Godbless us all po,,,

    ReplyDelete
  70. Thank you sa pag post nkatulong siya sa amin....

    ReplyDelete
  71. Maraming salamat sa nagpost nito at nadadasalan ko ang mga mahal ko sa buhay na lumisan na sa mundo...Thank you very much!

    ReplyDelete
  72. Maraming salamat ace sa pagpost ng dasal na ito, kailangan ko ito kasi kakamatay lang ng husband ko and wala kaming makuhang magdadasal, salamat at nahanap ko ito ika 9th day ng husband ko ngayon sa pagkamatay niya, God Bless Thank you very much!!!

    ReplyDelete
  73. Mawalang galang po, ito po ba ang dasal para sa yumao sa sitam na araw? Salamat po ng marami

    ReplyDelete
  74. Maraming salamat po at nakita ko po ang panalangin para sa yumao katulad nito dito sa internet. malaking tulong po sa amin sa pagdarasal sa yumao naming Lolo Delfin. Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Panginoon.

    Jason po mula sa Bulacan, Bulacan.

    ReplyDelete
  75. Maraming salamat at nahanap ko ito, nawawala na yung mga taong dati namin nalalapitan para sa panalangin sa yumao...

    ReplyDelete
  76. Maraming Salamat po sa Guide na po ito. Panalangin para sa ating mga Mahal sa buhay na Pumanaw. Maari po ba itong basahin sa 40 days po? Or Meron po dapat ibahin na sabihin. Maraming Salamat po.

    Wala po kasi kaming mahanap din po na mag lead po sa amin sa padasal kaya po napakalaking tulong po ito para po sa aming Papa ngayon April 27,2020 for his 40 days po.

    ReplyDelete
  77. anung oras po ito dinadasal bukas po kase 40days ng ate ko. maraming salamat po

    ReplyDelete
  78. Thank you po dito sa dasal.. nagamit namin starting today para sa pasiyam ng Lolo ko, Lalo na,walang available na pari 😟💔 dahil sa pandemic 💔💔.. wala pa syang bendition ng pari..

    ReplyDelete
  79. Thank you po na ipagdasal ko si papa maski di ako nka uwi. Kasalukuyan nasa Singapore. God bless sa gumawa ng sulat na ito.

    ReplyDelete
  80. thank you dahil napagdasal ko ang mama ko . 3 days nya ngayon at unang araw sa bahay pero wala pang nagdadasal since na lock down kamag anak namin. kami lang ng kapatid ko ang nagdasal gamit ang guide na ito

    ReplyDelete
  81. ask ko lng po ung 10 panalangin pano po ang pagulit ng 5times tapusin muna ung 1-10 tapos o every number ulitin na po ng 5x? thank you

    ReplyDelete
  82. Maraming salamat po. Now po marunong na po akong mag novena para sa mga kaluluwa para po sa kapatid kong si marie pas napast away last oct 15she was 39 yrs old.. 😢 my bestfren, i feel empty buhat ng nawala po sya. Tuwing dadasalin ko po ito gabigabi.. lumuluwag po ang pakiramdam ko.. nawa maka pasom na po sya sa pinto ng kalangitan. Makasama na po ang aming magulang at kapatid at pamangkin..

    ReplyDelete
  83. Sana po meron din po sa bicol language

    ReplyDelete
  84. thank you so much for this prayer, God bless you.

    ReplyDelete
  85. sana po ma itranslate sa english, maraming salamat po

    ReplyDelete
  86. Ask lng po Pede po bang gmitin to araw araw idasal para sa yumaong mhl sa buhay simula po nung nmatay xa hanggang sa 40 days po nia

    ReplyDelete
  87. Gud pm, ilang beses po uulitin ang dasal kng 40 days? Pareho din po b nung pasiyam? Salamat

    ReplyDelete
  88. Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng aming magulang na si David. 🙏

    ReplyDelete
  89. Thank you po for sharing the prayer.God Bless

    ReplyDelete
  90. Thank you very much ! These prayers . remind us of how our parents taught us to pray when we were still young specially the spanish w/c now i recsll completely. More power, God bless and take care

    ReplyDelete
  91. Nagpapasalamat kami sa iyong pagbabahagi. Naipagdasal naming mga naulila ang kaluluwa ng aming Mahal na si Meanne at si Angel.

    Pagpalain ka at gabayan ng poong maykapal.

    ReplyDelete
  92. Nagpapasalamat kami sa iyong pagbabahagi. Naipagdasal naming mga naulila ang kaluluwa ng aming Mahal na si Meanne at si Angel.

    Pagpalain ka at gabayan ng poong maykapal.

    ReplyDelete
  93. Paano po gumamit ng rosaryo para dito? Salamat po sa sasagot

    ReplyDelete
  94. Salamat po sa post niyo na ito. Maraming po nagahanap nito sa ngayon at isa na po ako. Lalo na po sa panahon natin ngayon na walang may gustong dumalo para sa mga padasal dahil sa covid-19. God bless po sa inyo.

    ReplyDelete
  95. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng dasal na ito. God bless po!

    ReplyDelete
  96. Maraming salamat po sa nagpost nito at sa mga naidagdag rin ng ibang nagbigay ng komento. Napakalaking tulong po nito sa amin.

    ReplyDelete
  97. Maraming salamat po sa pag post niyo NG ganitong dasal Hindi kasi ako marunong pero nung mabasa ko mapag a aralan ko Kung paano Yung dasal Para sa yumao nag padasal kasi ako ngayun sa 2 Kung anak nanamayapa

    ReplyDelete
  98. Salamat po sa nagpost nito. Malapit na ang pasyam ng Papa namin. Eto ang guide ko. Nag-iisa lang kasi ako nagdadasal. Si Mama nasa Cavite at ako ay nasa Pasig. Ang frustrating ng walang guide. Kung san san ako naghahanap sa google. Thank you po and God bless all the souls of our departed loved ones.

    ReplyDelete
  99. ueueueueeueuueeueueueu

    ReplyDelete
  100. Hello po. Maraming salamat sa post na ito, nawa ay pagpalain kayo ng Diyos. Malaking tulog po ang blog na ito.

    ReplyDelete
  101. Maraming salamat po sa gumawa at nagpost po nito

    Nakapagdasal po kami para sa kaluluwa ng aming Lolo

    God bless you po

    ReplyDelete
  102. Maraming Salamat po. God bless po

    ReplyDelete
  103. Maraming salamat po sa gumawa ng post na ito. Sobrang laking tulong po, Para sa mga walang kakayahang magbayad para sa padasal ng namayapang mahal sa buhay. Nawa'y hindi po ito mawala. At manatili ng mahabang panahon dito.

    ReplyDelete
  104. Thank you so much po. I’ve been looking for this prayer online. It’s my father’s death anniversary and this is such a big help.

    ReplyDelete
  105. Thank You and I have a swell give: How Much For House Renovation Uk house renovation and design

    ReplyDelete
  106. Maraming salamat po makakatulong ito para sa padasal ng aming yumao kapatid 40 days na sya sa lunes

    ReplyDelete

Salamat po sa inyong pagtangkilik sa blog na ito. Mahalaga po sa amin ang anumang inyong sasabihin tungkol sa nakasulat dito. Nagbibigay po ito sa amin ng pagkakataon na marinig kayo at malaman ang inyong saloobin. Gagawin po namin ang buo naming makakaya para makasagot agad sa inyo. Hindi po agad lalabas sa page ang inyong sinulat. Sasailalim po muna ito sa pagsusuri. sa loob ng hanggang isang araw. Nawa'y sumainyo po lagi ang pagpapala at biyaya ng Diyos.

(Thank you for your patronage to this blog. Any comment that you will write about what we have published here is important to us. This give us an opportunity to hear what you have to say and know your thoughts. We will do our best to respond to you as soon as we can. Your comment will not appear immediately but will undergo moderation for up to a day. May God bless you always.)